Sa una makikita'y tanging kadiliman, banayad na lumalangoy sa katubigan ng kalawakan; Tanglaw sa dilim ang init ni Ina at tinig na humehele sa kanyang pinakasisinta. Ilang pagtulog pang nagdaan, sa wakas liwanag sa aking pag-iyak ay sumalubong na, naitadhana sa kakaibang katirikan ng araw pa, sa lahat saksi ang lakanduala, Daraga kina Joey at Beniejune, mga magulang niya, takda sa labing siyam walong pu't lima ng Marso, Tapat sa dalawampu't isa ng kalendaryo. Panganay sa magkakapatid na apat, kuya nina Jo Ann, Jonas, at Janno.
Sa maagang pamumuhay namulat sa lukso ng buhay at pakikipagsapalaran - ang paghihikahos at kahirapan, napagtantong marapat magtiyaga't magsikap at minsan mangarap at una sa lahat ang makapangyarihang kaitaasan ay panatilihin at huwag ilimot kailanman gaya ng turo ni Ina at Ama, bukod sa gintong aral at magandang kaasalan. Nagsimulang makapagbasa't makapagsulat sa baitang ng elementarya, kung saan nakapag-ukit ng lakas, kaalaman at pagkatuto. Nabatid ang dunong sa taon ng Sekondarya, pinalad makapagmartsang suot ay toga. Nagawang mapabilang sa pampublikong Unibersidad sa Rehiyon, sa kolehiyo ang makapagtapos ay layon.
Sa kasalukuyan, sa awa ng Diyos nakakasabay sa lukso ng panahon, sa malayu-layong paglalakad tungo bukas mula ngayon, habang kahapon at lumipas ay nanatiling nakapaloob sa atin, ituwid na lamang ang pakakakurba sa paglaon. Dama ang matinding pag-aalala, sakaling masawi pa at itong paghihirap ay mabalewala na. Sana magtagumpay at makamtan ang mga bituin.
0 komments:
Post a Comment
Thank You for commenting..please come back again! GodbLz!