Discipleship Series: Word of God

What foundation do you have in your life? Is it fame, power, riches? How does the Word of God can be the greatest foundation in a man's life?

Sunday's Preaching Synopsis: A Well Balanced Christian Life

Christians has three aspects to address in order to attain total well-being. Are we giving them equal attention, or do we tend to focus more into one and lack to another?

Happiness is Life's Journey

What does this three elements has to say about happiness in life's journey?

Discipleship Series: The CROSS

What value does a cross has to us, do we actually understand what it means?

Leaving a Legacy of Faith

How do we believe in the things that are unseen and expect for the things that are yet to come?

Welcome to my blog. It has been a pleasure to meet you.

Hi! I am Joey. This blog was initially created for my SEO work, and now for church publication and an expression of myself. Write-ups include Discipleship teaching and Sunday Preaching, and papers submitted in college as requirement for certain subjects, while others were just a random thoughts and ideas.

Feel free to roam around provided that you ask permission if anything has to be copied or used from this blog. I appreciate your professionalism and cooperation. Thank you, enjoy and God bless!
Showing posts with label Magnumopus. Show all posts
Showing posts with label Magnumopus. Show all posts

Monday, May 4, 2009

Masdan Mo Ang Puno


MASDAN MO ANG PUNO

“Yaring pagtindig ko sa gitna ng buhay, Nalalantang kahoy ang siyang kabagay, Ang nakatutuyo’y ang patak ng ulan, Nakasasariwa’y ang sikat ng araw”. Ang puno’y likas na walang pinagkaiba at maihahalintulad sa kasaysayan at talambuhay ng tao. Yumayabong, nagkakasanga’t nagkakadahon at malakawayang yumuyuko sa agos ng panahon, sa huli’y luray na kahoy!

Sa simula, binhing ito'y nabigyang buhay at umusbong, sa matabang lupang nagmamahal at nagkakanlong; Sa tamis ng umaagos na tubig siya’y naginha
waan, at humimlay sa ugoy ng hangin na duyan, na naging susi sa paglago’t pagyabong ng dahan-dahan. Tulad ng puno, ang tao rin ay isinisilang, at lumalaki sa pag-aaruga at paggabay ng mga magulang; Dahil ang natatanging pag-ibig ng ina ang yumayapos sa kanyang pinakamamahal na munting musmos.


Sa paglapat ng bagong umaga, sinag ng biyaya’y tumatama sa kanya, tinatanggap nang maluwag ng mga daho’t bulaklak, mula sa kalangitang sa kanya’y nakatunghay-Sadyang nagagalak ang tao sa basbas ng Maykapal na nagpapakita lamang ng debosyon at paniniwala niya; Sa pagharap at paglutas ng mga suliranin sa Diyos ito ang kanyang dalangin.

Ang buto’y nagkasanga’t nagkaugat nang lumaon at namukadkad ng luntiang palumpong. Taas niya’y abot nang himpapawid, at sa kanya pa’y may mga nakadapong ibong mandaragit; Ibong napagmasdan ay nakintal sa isipan, kaya sa kanilang pagkampay, “napapasabay”, nawa’y makalipad at mamasyal sa ulap sana makasakay.
Lahat tayo’y may nais maabot o makamtan, isang katotohanang natural lamang; Mahirap ang umakyat at masarap ang mataas, sa pagsisikhay matitikman ang sarap ng tagumpay. Libre ang mangarap, kaya bawat isa ay may sariling dinadaing na sana, sana at sana – pinakaaasam na maisakatuparan rin ang dinadalanging hiling.

Subalit ang aliwalas ng kapaligiran ay dagliang nabago, pagkat makuli
mlim na ulap ang bumalot rito, saka nagsimulang kumalat ang hanging malamig, na dumampi sa labing nanginginig, nagbabadya ng takot at panganib, sumunod na and dagsa ng ulan, damang-dama niya sa mga ugat at buong katawan, na animo’y patalim kung tumama sa kalupaan; Kasabay ang nakakayanig na talas at lakas ng kulog at kidlat na sa kaitaasan sumusulat; Pawang pagaspas ng mga tangkay ang mauulinigan, habang puno’y patuloy na lumalaban, dahil hindi magtatagal at matatapos rin ang pagsubok at sa kadiliman ay makakaalis sa pagkalugmok.Habang tayo’y naglalakbay sa landas na tinatahak, hindi maiiwasan ang madapa at masugatan sa paglakad, pagkat problema’y kakambal na ng tao, kaagapay pa sa pag-inog ng mundo. Tatag at tibay ang dulot ng problemang atang ng Panginoon, at lakas ng pagkatuto na iwaksi ang pagkakamaling hindi pagbangon.

Sa pagdilig ng Araw at Gabi, isang munting siit ang umusbong parati – Ang yugto ng buhay , larawang makulay, na kakikitaan ng mga bakas ng pagbabago’t pa
g-unlad, sa kapalaran ng punong mapalad. Sa bawat pahinang mabubukas, gintong aral ang masisiwalat; Sa pagpanday ng sariling katauhan sa tahanan ito nagmumula at nabubuo, at sa labas naman nahahasa’t napapapalago. Sa tuwina , manghihina o manlulupaypay na lamang sa kalikuran, habang papalaki ang bawat pag-apak sa baitang; Sa bawat hakbang na maaangat, paghihirap at pawis ay pumapatak; Subalit tiwala’t paniniwala ay nag-iibayo at hindi nawawala sa pagsuyod sa hagdan ng pangarap.